God’s Merciful Plan

By Karl Comiling

KuyaKarl_videograb_small
Karl Comiling

Yun aking event that lead to the gift of having a son, yan yung experience na gusto kong ishare. That was two years ago.

Yung experience na biglang nadiscover, accidentally nadiscover yung sakit ng asawa ko. Siya yung tipo ng babae na kapag may period siya laging masakit. Every month may dysmenorrhea. So during that morning na papunta ako sa work, okay naman siya, hindi niya period. But while I was at work, biglang nagtext na masakit daw ang tiyan niya, sobrang sakit.

Eh usually pagdysmenorrhea, ang lagi kong sinasabi sa kanya diinan mo ng lukewarm na tubig, i-hot compress mo. Eh ang nangyari, nung hinahot compress niya, lalong sumakit hanggang sa hindi na siya makagalaw-galaw sa sakit. So napilitan akong umuwi. Andoon na yung mama na niya, yung papa niya. Sakit na daw talaga, super sakit na talaga. So napilitan kaming dalhin sa ospital without knowing kung ano iyon.

Dahil andoon yung ninang niya, yung doktor sa hospital–Oncologist and OB–dun namin dinala sa UST. Ang layo! Noong nandoon naman, daming check-up. Sabi nila may malaking bukol, so may further test. To make the story short, inoperahan siya ng kinabukasan. May malaking tumor, as in malaki, at meron ding Myoma. Lima yung myoma tapos tatlo doon yung malalaki.

Dun sa actual na operation, kinabukasan, ang difficulty na naranasan ko, gustuhin ko mang samahan siya, may nacommit na akong schedule. Actually, yun na yung time na maglungsad ako ng start ng training na ako talaga ang mag-orient kasi ako talaga nakakaalam ng program. Series of training iyon, yung pinakaaraw na hindi pwedeng iatras, exactly the same time na kung kelan siya ooperahan.

So yung nanghihina na siya, si Rachelle (wife) kasi hindi siya comfortable sa kahit sino. Kapag private self niya, hindi siya comfortable sa iba, kahit parents niya. So talagang sa akin siya, ganoon kami kaclose mag-asawa. Kapag ganoong experience sa akin talaga siya umaasa.

It was difficult for me to leave her during that time na ooperahan siya. Actually, hanggang ngayon nasusumbat pa niya yung ganong experience na iniwanan ko siya during that time. Pero tinanggap ko naman nasaktan ko siya during that time. During that time din, pinayagan din niya ako kasi alam naman niya yung work ko na kapag schedule, schedule.

‘Pag balik ko, tapos na yung operation at pinicturan ng doktor yung tumor. Terra Tuma ang tawag. Yung Terra Tuma pala is a kind of tumor in the reproductive system. Andoon na pala siya nung bata pa siya. Para itong mga reproductive cells supposed to be na pupunta sa different parts of the body, pero naligaw at naipon sila doon. So yung mga parts na iyon parang may ngipin, may buhok, tapos may buto-buto, so ganoon yung laman ng tumor. Tapos lumalaki siya with the parts, nasa loob, nakabalot.

It was difficult for me to leave her during that time na ooperahan siya. Actually, hanggang ngayon nasusumbat pa niya yung ganong experience na iniwanan ko siya during that time. Pero tinanggap ko naman nasaktan ko siya during that time.

Nakadikit kasi siya sa right ovary niya kaya yung right ovary niya tinanggal din kasi hindi na siya pwedeng iligtas pa. Tinanggal din yung dalawa niyang Myoma. Yung Myoma andoon naman sa uterus tumubo. Magkaiba sila, isang bukasan lang.

Ang nangyari nitong Terra Tuma, kaya siya sumakit ng todo kasi para pala siyang malaking mass tapos pinupush niya yung mga ibang organs hanggang sa dumating sa punto na wala nang maatrasan itong mga organs kaya natrigger. Yun na yung sumakit. Kaya pala ‘pag magkwekwentuhan kami lagi sinasabi niya lagi siyang naiihi–mga symptoms pala iyon na naiipit yung mga organs niya.

Ang sabi ng doktor, “Yung case ninyo, medyo sensitibo na yung pagpapaanak. Yung chance na mabuo yung baby 50% na yung nawala.” Pero pwede pa rin naman daw.

It was a surprise talaga kasi, wala naman kaming iniisip na ganoon. Actually, plan namin magkaanak after we finish pa our studies kasi pareho pa kaming nag-aaral. During that time, mga two to three years kasi ka-start lang noon. Nangyari ito mga 2014. Para kaming disiplina kasi ayaw nga naming mapigil muna yung aming pag-aaral. In that way, para siyang reminder ng Diyos sa amin na, “You’re plan is not my plan and I have a better plan for you.”

So yun yung isang ano sa amin na, “Oh my God, hindi pala pwedeng puro atin–puro gusto natin ang masunod, we have to be open to the Wisdom of God.”

So dun namin nacontemplate na, sabi kasi na with the help of the professional, importanteng bigyan din namin ang halaga yung aming buhay bilang mag-asawa and yung openness to life.

Sinunod namin yung advise ng doktor. Sabi nung doktor, if gusto niyong iconsider na magkaanak na–kasi sabi ng doktor may mga cases na ang nagkaTerra Tuma sa kanan, eventually magkaroon sa kabila, tutubo. May mga ganoong cases, may tendency daw na magkaganoon. Ngayon, masliliit daw yung possibility na matubuan ng tumor, maulit, kapag magkaanak.

Isang factor din na parang magkaroon na rin kami ng anak kasi matanda na yung parents ni Rachelle. Panganay siya so wala pang ibang apo. Baka mawala na sila, hindi pa makakita ng apo. It adds the inspiration na timely na din.

Ang inisip namin, siyempre magpaheal siya. Sunod naman paano namin malaman kung magkaanak kami. Tutal si Rachelle naman ay under medication, so ang sunod ako–ang sunod na instruction ng doktor magpaguide ka din ng medical expert. So parang ang steps na susunod sa amin: magpasperm count ako, magpawork up. So dun na kami.

902149_4730703551006_1362802964_o
Karl with then-girlfriend-and-now-wife Rae

Siyempre abala ito sa mga schedule. Samahan ko pa siya sa hospital, tapos ngayon magpaworkup pa kami–pupunta pa ako sa ibang hospital kasi wala noon sa UST.

So after a year, doon ko lang nalaman. Paguwi ko galing sa bakasyon ng Bohol, nalaman ko na buntis siya. Malaking saya ako. Hindi na dumating na nagworkup pa ako! Supposed to be, yun yung pagpunta na schedule sa doktor, yun yung sanang target na dun magsimula yung program.

Kaya nung nagpunta kami sa doktor, nung sinabi ng doktor ano na mga steps na gusto nating gawin, meron siyang instruction para ipacheck ito at ganyan kung pwede ka pa ba, ang sagot namin meron result na yung pregnancy test. Nagulat din ang doktor, parang hindi rin siya makapaniwala.

Sa amin napakalaking blessing iyon, bagamat napakalaking bagsak ng naging problem–yung challenge ng pagkasakit niya–meron din better thing na binigay ang Diyos, kung paano Niya binigay itong baby. In short, nabuntis siya. Blessing but at the same time kung anong gagawin, kasi hindi ko alam at never ako naging tatay. So nakaano kami sa magulang niya sa tulong na ibibigay, yung guidance nila.

Yung doktor nga namin ninang niya tapos kasama sa Ligaya Community–para siyang mother community ng Couples For Christ. Kaya yung guidance, yung supervision ng doktor, talagang nakatutok. Batay dun sa mga ultrasound, ang target na panganak talaga ay first week of December (2015).

Sabi ng doktor, safe naman kung last week of November kasi kumpleto na yung nine months base sa mga result. Birthday kasi ni Rachelle November 27, eh ayaw niyang maging ka-birthday ang anak niya kaya gawin na lang namin November 25. Sabi ng doktor hindi nga pwede ng natural delivery kasi nga bagong opera, so mahirap yun. Very rare yung normal kung bagong opera kasi one year lang yung pagitan.

Pangalawa, may limang Myoma nga siya. Dalawa lang yung natagal kasi dun sa lima tatlo yung malaki-laki. Sa tatlong malaki, dalawa lang ang natanggal kasi malalim na iyong isa. Ibigsabihin kung piliting tanggalin pwedeng magdurugo, baka makaskas, dangerous. So hindi tinanggal. Kaya dalawa lang ang natanggal. Kaya may isang malaki na sa ilalim at dalawang maliit na pwedeng through time matunaw daw.

Eh nung nagbuntis siya, itong isang hindi natanggal na malaki, lumalaki. Parang may kambal na mass yung baby namin. Ang problema sa kanya dun siya lumalaki sa malapit sa pwerta. Kaya nakadagdag sa hindi pwedeng maging natural ang delivery. In danger siya.

High risk nga ang tawag ng doktor dahil nga sa sitwasyon na iyon. High risk kasi kasabay niyang lumaki itong Myoma. Sabi ng doktor pagkasabay niyang lumaki, para kang may kambal pero unlike sa kambal daw pareho silang gumagalaw. Ito stable, binu-bully niya yung baby. Yung baby sa loob mastress dahil mapilitan siyang maliit lang yung espasyo.

So dahil dun pwedeng maraming posibilidad na mangyari. Unang-una, pwede siyang malaglag. Pangalawa din, pwedeng magkaroon ng deformities yung baby. Kaya very careful din kami kasi ‘pag makunan kasi isa na nga lang ang natira niyang ovary.

It was a surprise talaga kasi…plan namin magkaanak after we finish pa our studies kasi pareho pa kaming nag-aaral. During that time, mga two to three years kasi ka-start lang noon…In that way, para siyang reminder ng Diyos sa amin na, “You’re plan is not my plan and I have a better plan for you.”

Kaya para sa amin, every month na malagpasan, it’s really a big blessing na nasustain ito. All throughout andun yung kaba at andun din yung, at the same time, tiwala. Pakiramdam namin, bigay ito ng Diyos at hindi Niya ito hayaang ibigay sa amin. Paano kung may mangyari? Paano kung hindi namin ito maingatan?

Eh si Rachelle pa naman noon, kakatuwa, kasi hindi niya namalayan na buntis na siya. Yung culture kasi ng mga professors sa Ateneo may mga bonding tapos inuman. Eh siya kasama siya dun sa small group ng mga professors na may mga bonding na inuman. Eh siya din umiinom din. During the time na buntis pala siya, hindi niya alam na buntis na, umiinom.

Tapos nagmomotor pa! Nagmomotor pa siya during the time. Kasi after six months, kahit ayaw ng doktor, actually, ayaw ng parents niya, nagmomotor pa. Ako naman hindi ko pinagbabawal, pero ingat talaga kasi siya naman talaga ang may gusto magmotor eh. Kasi during that time hindi pa niya alam na buntis na siya noon.

Kasi yung motor, malaki yung motor niya, big bike iyon eh. Tapos pagpalikuin niya, itaas niya ng konti so mabigat iyon. Sa amin, yun yung nakadagdag sa thought na, “Oh my God! Ang laki ng posibilidad na anytime at those early times malaglag yung bata pero hindi pinahintulot.”

Kaya sabi namin, it’s really a blessing. Kasi marami daw cases lalo na may Myoma, tapos may baby, tapos bagong opera ka–kasi multi-level operation iyon eh. So high risk ang pregnancy niya. Kaya every month pacheck up kung humihinga pa talaga yung bata. Ang daming factors na kinoconsider.

So ngayon, schedule na 25, fourth week of November. So confident na kami na November 25. Eh November 15 pa lang sumasakit na ang tiyan niya, so sabi namin baka false alarm. November 17 nagpacheckup pa kami sa doktor kasi masakit nga ang tiyan niya. Pero pinauwi pa kami kasi nga hindi pa schedule. Tapos nanood pa kami ng Bonifacio tapos tulog na kami.

Tapos mga alas dos ng gabi ginising niya ako, masakit na daw talaga. Magpadala na daw siya sa ospital kahit anong mangyari. Sabi ko sige kahit false alarm ito, sige na nga. Eh sabi ng doktor isang indikasyon na manganganak na kapag may lalabas na mucuos sa pwerta niya. Eh meron na, so sabi ko baka seryoso na ito.

So November 18 ng alas tres (ng umaga), takbo na kami sa UST. Wala yung doktor niya, nagbakasyon, hinanap pa. Mga 5 o’clock sabi ng doktor na nasa emergency na bumuka na daw talaga yung pwerta, so ibigsabihin mangaganak na. Dumating yung doktor (niya) 5:30 (am) kasi tinawagan nila. Naganap yung operasyon, yung cesarian niya, mga ala sais. Kaya November 18 yung panganak, one week ahead.

It’s a grace kasi healthy yung baby. Sabi ng doktor andun pa din yung Myoma pero hindi pwede tanggalin ng sabay. Pwede tanggalin pero high risk kasi duduguin ng duduguin, masmahirap. Kapag tanggalin daw yung Myoma pwede magasgas yung matres at hindi na magkaanak kaya ‘wag na lang.

901580_4729611163697_335157680_o
Karl & Rae on their Wedding Day

Ang sabi ng doktor pwede magkaroon ng operasyon para tanggalin yung Myoma in between sa pagpanganak ngayon (at) kung gusto niyo magkaanak muli–operahan muna yung myoma bago kayo magplano for second child. So parang, yun nga yung inisip namin, meron pang isang kondisyon bago kayo magkaroon ng second child kasi kailangan magundergo muna ng operation.

Given yung financial condition namin, of course UST iyon, private hospital. Isang grace pa siguro na binigay ng Panginoon sa amin eh despite hindi naman kami mayaman pero nakapag-ipon din kami ng kaunti–sapat para magastusan yung unang operation. Umabot kami ng mga Php200,000++ dun kasi para siyang pinagpipistahan ng mga doktor kasi nga yung case niya.

Kaya ang reflection ko dun eh, “Grabe noh! ‘Pag isa kang ordinaryong mamamayan at may ganyan kang klase ng sakit na Terra Tuma, talagang umaasa ka lang sa mercy ng Public hospital. Yun yung isang kabutihan ng Diyos. Despite all, hindi na icount yung expenses pero part iyon ng blessing Niya eh.

Hindi naman kami actually prepared for yung operation niya nung tumor eh. Siguro kung wala din yung ipon namin at yung tulong ng parents niya, hirap din talaga kami. Tapos eto pa pagkapanganak niya, high risk din. Gastos din namin almost mga Php200,000 din.

Of course, nangingibabaw yung feeling blessed. After all, hindi mo na bilangin yung financial consequence and, at the same time, hindi naman na kami napangutang. Yun din yung isang blessing doon. Ibigsabihin naubos man yung savings pero nung balikan namin, yun nga ang purpose ng savings, kaya ka nga nag-save.

Sabi ko, “Ubos man yung savings natin pero hindi naman tayo tulad ng iba na nabaon sa utang. Ngayon simula tayo ulit. Ang ano lang medyo masmahirap na magsave kasi meron na tayong baby.”

Nag-eight months siya kahapon. Kaya sa aming pagninilay sa Diyos, yung constant love talaga Niya, yung unfailing love. He put things in order. Sa gitna ng challenges and difficulties, He proved to us na andoon Siya, constant yung care Niya for us.

Kaya nga yung aming reflection, ano kaya ang ipangalan natin sa ating anak? Nireflect namin ano bang experience natin mula nung maoperahan ka sa tumor up to manganak ka. So ang reflection namin itong batang ito, itong baby na ito, of course, blessing siya ng Diyos–pinakita sa amin na andoon sa amin ang Diyos all throughout, kaya meron siyang “Reign”, “Reign of God”. Reign ang first name niya.

 

10259018_10202631738868768_1043732920134392265_o
A more recent photo of Mr. & Mrs. Karl Comiling

Tapos yung second name is “Kalig-on”. “Kalig-on” is a Bisayan term for “firm” or “strength”. “Kalig-on” meaning strong siya na tao–siya yung anak namin na all throughout symbol din siya ng strength na sinusustain kami ng Diyos tapos siya din strong din siya nung ipinagbubuntis siya. Kaya ang pangalan niya ngayon ay Reign Kalig-on, ang palayaw niya ay Kali.

So everytime na nakikita ko siya, there’s always the sense of joy and gratitude because God indeed is so good, despite all the challenges. Ayan very healthy, always smiling, marunong nang gumapang at nangangagat na.

So very careful din kaming masundan, inaano nga namin na baka isa na lang–gusto din namin bigyan siya ng good future kasi pamahal na ng pamahal eh. We value yung responsibility na inatang sa amin kasi nga blessing nga ito eh, so we also respond by being a good parent.

I really believe God continues to sustain despite yung sahod dito (Church) tamang-tama lang. Pero setting aside yung financial matter, nainspire akong maglingkod kasi naramdaman ko kasi yung loving presence ng Diyos.
=====
Mr. Karl Comiling has been working in the Pastoral Office of the Diocese of Novaliches since October 1, 2009. He began as a Pastoral Program Officer (2009-2010) and became the Diocesan Basic Ecclesial Communities (BEC) Animator (2010-Present). In 2013, he married his girlfriend of almost 10-years Ms. Rachelle “Rae” Sanchez, who is a Theology Professor in the Loyola School of Theology of Ateneo De Manila University. Karl previously planned to enter the priesthood through the Order of the Ministers of the Infirm (Camillians), which actually paved the way for him to meet Rae.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s