An Outpouring of God’s Mercy

By Mario Alfredo E. Silvano

13880126_10153995053779620_2029245446453266835_n
A selfie of Mar during the recently-concluded World Youth Day 2016 in Krakow, Poland

Every World Youth Day (WYD) is a different story, different setting, different people, different adventure. Hindi siya nakakasawa. Parang yung desire mo na mameet ang Diyos, hindi ka rin magsasawa. Ganoon din yung desire na pag-attend ng World Youth Day simula noong ako ay single hanggang sa ngayon na may asawa na ako. Yung excitement eh ganoon pa rin yung level. Yung desire ganoon pa rin yung level. Kahit ilang beses pa, hindi siya nakakasawa.

#WYD #Manila1995
Nung unang event, yung World Youth Day 1995 sa Manila. Sabi ko gusto ko makasama ang Papa. Hindi ko alam bakit ganoon ang charisma sa akin ng taong nakaputi. Simula nung ako ay bata, sa tuwing ako ay magsisimba, lagi akong namamangha sa nakaputi: sa pari, sa mga sakristan–lahat nang nasa altar. Ganoon yung attraction sa akin ng mga nakaputi na iyon. So nung nakita ko ito yung Head ng Catholic Church, kung yung simple ngang pari eh hinahangaan ko, how much more this one?

Nung 1995 nung World Youth Day sa Manila, isa yung Parokya namin sa may pinakamaraming delegation na pinadala at pinaattend. At that time, ako yung Coordinator ng Parish, dala-dala ko yung lampas 700 na Youth. Yun talaga ay isang matinding organizing, solicitation dahil marami sa Kabataan ng Bagong Silang ay mahihirap.

Sa tulong ng aming Assistant Parish Priest at Parish Priest, marami kaming nasolicit para lang mapaattend yung ganoong karaming Kabataan sa World Youth Day. Marami kaming hinikayat sumama, marami pa sanang gustong sumama, pero yun lang ang nakayanan ng budget. That was one of the biggest delegation dito sa atin sa Pilipinas in a single parish.

Yung panahon na iyon isa kaming bulto ng delegation na masaya, aktibo na nais talagang makita ang Papa. Malayo pero merong time na dumaan yung Pope mobile, dumaan iyon sa kalsada kung saan malapit kami nakastay. Yun yung sa may Japanese Garden, so doon kami nakastay. Pero kalsada kasi yung kabila na iyon.

Tamang-tama dumaan si Pope, yung Pope mobile niya so nakita namin ng ganoong kalapit. Pero sa Quirino na, sa Grandstand, malayo, mahirap makalapit, pero hindi ka na rin makakasunod sa dami ng tao. Pero to capture that moment, yun yung pinakamalapit, sobrang blessed mo na rin.

4232_77526819619_3404781_n
St. Pope John Paul II during the Jubilee 2000 Celebrations in Rome

#Jubilee2000
And then naging interested ako sa buhay niya nung nabasa ko yung life story niya. Naging avid fan talaga ako. Yun yung una kong chance na makita siya 1995. NagkaWorld Youth Day sa France, hindi naman ako nakasama, wala naman akong pangsama noon.

But noong Jubilee Year, noong 2000, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama sa Rome. Siguro sa tulong ng mga kilala ko, mga taong mababait sa akin, nakapagsolicit ako, nakasama ako sa Rome. At doon, nagkaroon din ako ng pagkakataon na makalapit sa kanya sa pamamagitan na napili ako ng CBCP na maging animator.

During that time, that Jubilee Year, tayo lang ang may kanta ng Jubilee Song. So pinaganimate kami. Merong isang grupo na ginawa ang Philippine Delegation at nagkaroon ng animation tungkol dun sa Jubilee Song na iyon. At yun, doon kami sa harapan ng Santo Papa nagperform. That was during the Vigil Night, yun yung last night with the Pope.

Pero ang kagandahan doon, nasa stage na kami, nagkaroon ng technical problem. So tumagal kami sa stage–so parang mga 20-30 minutes kaming nakaupo doon sa stage at nakatingin lang sa kanya. So hindi man kami makalapit, pero napakalapit na iyon. Isang napakalaking stage, nasa gitna ang Santo Papa. Ginanap iyon sa isang malaking-malaking lugar sa Rome, open area iyon.

1930597_26668779619_2313_n
Mar Silvano with co-Jubilee 2000 Animators in Rome

#WYD #Toronto2002
Lalong natrigger na sana next time makalapit na ako. After two years, yun nadinig naman. Ako’y tuwang-tuwa talaga noong sinabi sa akin na isa ako sa magiging representatives ng Country. Oy, talagang naiyak ako doon sa tuwa na, “Eto na iyon, eto na iyong prayer ko!”

Siguro isa lang ako sa mapalad at masisipag na Kabataang napili dahil sa pagiging aktibo sa Ministry. Nagsimula yung pagseserve ko sa Youth Ministry way back 1988 sa Sto. Nino Parish, Bagong Silang, Caloocan City. And then nagtuloy-tuloy iyon, naging Vicariate Coordinator ako. Then naging Quezon City North District Coordinator ako na kung saan yung Quezon City North District ay isang distrito noon ng Archdiocese of Manila na sa ngayon ito ay tinatawag na Diocese of Novaliches.

Every World Youth Day pumipili ang CBCP ang NSYA–yung Episcopal Commission on Youth–ng mga lider Kabataan na kung saan magrerepresent sa Country, sa Philippines. So noong taon na iyon sa World Youth Day sa Canada sa 2002, mapalad ang inyong lingkod na mapili na isa sa dalawang official representative ng Philippines. Yun meron iyong prebilehiyo na makaharap ang Santo Papa.

Months na lang, head ako ng delegation noon ng Diocese of Novaliches. Kasi that time, hindi rin ako nahirapan kasi may mga kamag-anak ako sa Canada na nagipon-ipon dahil gusto nila akong makita after the World Youth Day, so binigyan din nila ako ng pamasahe.

So iyon naghead ako ng delegation ng Diocese of Novaliches tapos after noon sinabihan ako ng NSYA na isa ako sa mga napili. Sobrang surprise! Sa sobrang surpresa, hindi ko na iyon naipamalita. Kahit sa Parish namin hindi siya alam, walang big deal, walang send-off. Nagulat na lang sila napanood nila sa TV, “Si Mar iyon ah!”

1930597_26670994619_2687_n
Mar with the other chosen Country representatives of the International Liturgy Group for World Youth Day 2002 in Canada

Yung delegation lang ang nakakaalam kasi alam nila hindi na nila ako makakasama. Kasi yung mga representative ng Country may sarili silang grupo. Ang tawag sa grupo na iyon, International Liturgy Group. So sa lahat ng Liturgy o Misa o mga appearances ng Pope, yun lang ang pwedeng lumapit sa kanya–sa Opening, sa Closing, may iba pang (time) na pwedeng lumapit sa kanya. Kami lang iyong pwedeng tumabi sa kanya–mga three or four. Pag magmiMisa siya, aattend din kayo. Andun kayo nakapaligid sa kanya.

Nung Vigil Night, nung Mass niya, isa ako sa mga Lectors. Kapag Communion, magkoCommunion din kayo, siya magbibigay sa inyo. Mga one week siya kasama.

To be exact, I’m in awe. Nawala ako sa sarili ko. Katunayan, hindi ko nga natanggal dun yung shades ko, eh–yung salamin ko. Kaya nga pagkababa ko sa stage pinuna ako ng mga tagaNSYA, taga CBCP bakit ako nakashades nung humarap ko sa Santo Papa. Sa totoo, hindi ko alam yung nangyayari, parang panaginip.

Kapag kaharap mo ang Santo Papa, lalo na yung kaharap ko noon ay si St. John Paul II, para kang may kaharap na isang santo, isang anghel. Hindi mo maintindihan yung feeling mo, yung nararamdaman mo–iba, iba talaga siya. Yung mawawala ka talaga sa sarili mo. Yung charisma, yung aura, parang feeling ko nga nasa Langit ako noon at may kaharap akong santo, may kaharap akong anghel. Akala ko nananaginip ako, akala ko hindi totoo yung nangyayaring kasalukuyan na iyon.

Yung panahon na iyon, yung event na iyon, yun yung Opening Ceremony ng World Youth Day. So during that time, yung mga delegates dapat hawak-hawak yung flag nung country. Bawat isa, luluhod kayo sa harap ni Pope and then iblebless niya kayo. Pero ang ginawa ko that time, habang nakaluhod ako, kinuha ko yung pagkakataon (at) kinausap ko siya, “Holy Father, I am from the Philippines. The Filipino People loves you very much.”

Natuwa siya at ngumiti siya akin at bliness niya ako. Yun lang ang mga katagang nasabi ko sa kanya. Marami namang lumuhod sa harapan niya at kinausap din siya, pero yun nga, kinuha ko yung pagkakataon na masabi ko sa kanya na galing ako sa Pilipinas…sobrang proud.

Very memorable talaga! Hindi mo siya makakalimutan. Although yung mga time na iyon, bawal kami magdala ng camera. Yung picture na iyan (FB Profile Picture) galing sa official photographer ni Pope. Noong Adlimina Visit ni Bishop sa Rome, nirequest ko na kung meron siyang time baka makuha niya yung picture ko na iyon sa Vatican. Pinakiusapan ko ang mahal na Obispo–inutusan ang Obispo ‘di ba! Siyempre napakabait ng ating Obispo, so kinuha niya iyong picture at yun yung regalo niya sa akin pagbalik niya.

2155_48864814619_5469_n
Mar’s answered prayer: Up Close And Personal With JPII during World Youth Day 2002 in Toronto, Canada

Kasi yung time na iyon bawal nga yung camera so wala kang chance makakuha ng picture to capture that moment. Ang tanging pribilehiyo mo lang na meron kang hawak-hawak that time ay yung memories, yung experience na kung saan ay makaharap mo siya. Yun siguro yng pinakunswelo mo sa pagharap mo sa Santo Papa. Wala ka mang pruweba kasi wala kang kuha, wala kang dalang camera pero yung memories na iyon na kung saan pwede mong panghawakan panghabang buhay. Unlike ngayon pwedeng magselfie pero noon hindi. Bawal iyon sa protocol sa pagharap ng Santo Papa.

Yung time na iyon, nakita ko yung…nakita ko sa Santo Papa yung kanyang pagnanais na makapagsilbi talaga hindi lang sa mga Kabataan kungdi sa buong Simbahan kahit na mahina na siya. Noong mga panahon na iyon talagang very weak na siya, hindi na nga siya talaga makapaglakad ng maayos. That time tinutulak na lang siya. Meron siyang trolley noon, nakasakay siya ng platform, tinutulak siya. Mahina na siya talaga pero makikita mo pa rin sa kanya gusto na niya pa rin makapagsilbi sa Simbahan.

Siguro yun yung tumimo sa akin na yung ito matanda na pero nagpupumilit pa ring makapagsilbi. Kaya yun yung naging inspirasyon ko na siguro kahit magkaroon ako ng asawa, ng pamilya, hindi ko alam kung magiging malaki ito o hindi, magkakatrabaho ako, palagay ko–sabi ko–kailangan gayahin ko ang Santo Papa. Kailangang magsilbi. Hindi lang siguro sa Simbahan, nararamdaman ko rin kailangang magsilbi sa community, sa mga tao, sa iba’t-ibang pamamaraan. So yun yung nagtulak sa akin na magsumikap pa lalo magsilbi. So lagi siyang kasama sa mga gawain doon sa parish, yung inspiration na iyon.

#PapalVisitPH2015
Actually, nageexpect ako na sana makalapit ko rin siya, sana magkaroon din ako ng audience sa kanya. Although alam kong imposible kasi alam kong limited lang yung mga taong pwedeng lumapit, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na somehow makakalapit. (Naisip ko na) pwede siguro kami sumama kay Bishop Tobias kapag umattend siya ng Misa pero hindi ko alam kung makakapasok kami pero I don’t know how far…Nakikita ko rin sa Santo Papa na ito na para din siyang si Pope John Paul, kaya gusto ko rin siyang mameet.

Sabi ko sa amin sa family, sana pagpunta dito ni Pope makaattend kami sa isa sa mga Misa niya. Para makita din nila–namin ang Santo Papa–kahit doon sa malaking screenboard.

Yung Papal Visit ni Pope Francis nung 2015, nagorganize kami sa Parish ng delegation para makapunta sa Luneta Grandstand. Sa dami ng tao, talagang nakapagsiksikan kami. But then, blessing na rin siguro na hindi kami nakapwesto malapit doon sa Grandstand. Andoon kami sa very far corner nung mga blocks doon na ginawa nilang pagiistayan ng mga tao. Andoon kami sa malapit sa stairs dun sa may mga carabao, doon sa dulong-dulo.

10931693_10152778975114620_3584796133915996508_o
Mar with his wife, Maria Fe, (Top)  and with his son, Martin Hans, (Bottom) during the Closing Mass of the  Apostolic and Pastoral Visit of His Holiness Pope Francis to the Philippines last January 18, 2016 in the Quirino Grandstand

10945070_10152778974974620_5863024910014915588_o

But blessing in disguise na nandoon kami sa corner na iyon, doon pala dadaan yung Pope mobile. So tuwang-tuwa kami kasi mga five meters away lang yung Pope mobile, three meters yung si Pope at kumakaway sa amin! My whole family–my wife, my son–very happy sila na nakita ng close and personal yung Pope na kumakaway sa amin!

So kahit maulan, kahit basang-basa kami very happy kami noon na nameet namin siya ng ganoong kalapit. At hindi lang isang beses! Kasi bumalik ulit siya. Dalawang beses umikot yung Pope mobile dun sa lugar namin: yung pagdating niya at yung pagalis niya dumaan doon sa amin. At meron akong video na nakuha nung kanyang pagdaan kaya masayang-masaya kami. Very, very touching yung moment na iyon.

Ang learnings–isa sa learnings siyempre yung when you pray to God ng isang bagay na gusto mo, kahit imposible, in God’s time He will give it. Isa sa mga winish ko noon ay sana makita namin ng malapitan ang Pope. So ayun, inanswer naman niya yung prayer right away at napakalapit naman din!

#WYD #Krakow2016
Two years ago, nayaya ako ng aking friend, yung president ng St. Therese Choir ng Banal Na Sakramento Parish to help them organize kasi gusto nila magjoin sa World Youth Day sa Poland. So, I offered them help so I said sige tutulong ako magorganize, tapos tutulong din ako sa documentation, lahat.

Then sabi nung aking friend, sumama ako. Una sabi ko hindi na ako capable kasi I’m working tapos meron na akong family tsaka limited yung resources. But then, God’s blessing, sabi niya, “Kuya Mar, sumama ka! Ililibre kita!”

13724923_10153980233329620_6122091810235982137_o
Mar with his co-delegates from Banal Na Sakramento Parish pose with His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, D.D. at the Divine Mercy Shrine in Poland during World Youth Day 2016

Wow! Sabi ko, blessing nga iyon. So sabi ko, “Sige, ikaw bahala.”

So eto na. From forty people–members ng choir–ngayon, siyam na lang kaming pupunta na natira. Natrim down na siya as a group. Ngayon, tumatayo akong Assistant Leader ng group. So ayun.

Medyo nahirapan yung group kasi siyempre unang challenge dito yung financial matters. Malaki yung kailangan. Although, medyo nakabuo na kami kasi most of the transactions na ginawa namin online so hindi na kami dumaan sa mga travel agencies na may mga patong siyempre may mga services na babayaran. So mas nakatipid, mas kaunti ang expenses. Siyempre nahirapan pa rin.

Ang biggest challenge ko sa pag-alis, siyempre yung work. Maiiwan ko yung work ko dito sa Chancery Office at sa Tribunal. Pero after talking with the Chancellor, pagalis ko iassign naman niya dun sa isa naming kasama–si Jhuly–to takeover sa maiiwan kong work, if ever meron man.

Isa ring challenge yung, come October kasi magkakaroon ng Barangay elections. So right now, yung kasama namin, yung grupo namin, bumababa na sa mga areas para magpakilala sa mga tao. So I’ll be missing mga 10 days na pagbaba sa mga areas.

Nothing is impossible. Although meron yung protocol yung appearance lagi ng Pope. Just like a president, merong protocol: hindi ka pwede lumapit sa Pope ng basta-basta. But alam naman natin na yung ating present Pope is breaking all protocols. Why not, baka magkaroon ng chance na makalapit sa kanya–and hopefully sana makalapit din–and I will tell him to go back to our Country, the Philippines. Sana magkatotoo.

13730819_10153984847444620_5301181446445635381_o
Mar with the Banal Ng Sakramento Parish Delegation pose with the Most Rev. Robert Barron, D.D. during the Catechism Sessions of World Youth Day 2016 in Krakow, Poland

Siguro na gusto ko sabihin sa kanya na bumalik siya ulit sa Pilipinas…kasi nakikita ko sa pagkatao niya…ang pagkatao ni Francis of Assisi, yung mapagmahal sa mahihirap. Parang gusto ko sabihin sa kanya na bumalik ka muli sa Pilipinas para masmakilala ka ng mga Pilipino, para mas makadaupang palad mo para makita mo ang kultura ng mga Pilipino. Sa ganoon eh hindi lang siguro yung inspirasyon ang madala niya dito.

Sa ngayon, sa pagdaan namin ng Rome after the World Youth Day, magkakaroon kami ng pilgrimage sa Door of Mercy. Hopefully, maranasan namin iyon at hopefully maging masblessed pa kami. Isa rin sa dream ko na someday my family will join me sa ganitong pilgrimage. Hopefully, hopefully.

Sa lugar namin, isang mahirap na lugar, siguro dapat lang na una, mangarap, magdasal. Mangarap lang hindi lang simple. Kapag nangarap ka dapat grand, aim high. At isama mo iyon sa pagdarasal mo na sana balang araw ay tugunin iyon ng Panginoon. Pero dapat kaakibat nung pagdarasal mo ay kailangan magtrabaho ka din, maging masipag ka din sa iyong pagsisilbi upang sa ganoon eto yung maging reward mo sa Panginoon. Siyempre ang Panginoon kinalulugdan niya kung saan ay nagsisilbi sa Kanya.

Sa mga Kabataan, siguro isa iyon sa mga pwede kong ibahagi sa kanila na mangarap sila ng hindi lang simple. Kailangan mangarap sila in totality na kailangan silang meron silang matapos sa buhay, makapagtapos sila sa pagaaral. Yun mangarap din sila na magsilbi hindi lamang sa pamilya nila kungdi sa parokya, sa community nang sa ganoon marami din silang mahikayat na Kabataan. Siguro kung maraming magseserve sa Simbahan, sa community siyempre yung buong parish ay magiging aktibo, masmasaya, mastahimik, masprogresibo, maskaaya-aya.

13882418_10153993235659620_878370295246515772_n
A view of Pope Francis during the Vigil Night (Last Night) of World Youth Day 2016 in Campus Misericordiae, Krakow, Poland

=====
KuyaMar_ScreepCapVideoInterviewMr. Mario Alfredo Silvano works in the Chancery and Tribunal Offices of the Roman Catholic Bishop of Novaliches. He handles inquiries about the changes of records, reconstructions, and about the requirements of marriage, aside from from requests for marriage clearances and dispensation from all over the Diocese.  He has been a long-time resident of Bagong Silang, Caloocan City after moving from the Municipality of San Juan during his childhood. He now serves as Head of the Faith and Formation Ministry and as member of the Lectors and Commentators Ministry of St. Paul of the Cross Parish. A happy-go-lucky and people-oriented person, he finished a two-year Computer Technology, had an undergraduate in Bachelors of Commerce Major in Management in Colegio De San Juan De Letran, and graduated with an AB Theology in Our Lady of the Angels Seminary after thinking of entering into priesthood.

Advertisements

One thought on “An Outpouring of God’s Mercy

  1. So proud of you kuya Mar!
    Happy and blessed to have you and the rest of the kuyas and ates in PYM.
    Just like you, I will never ever forget the WYD experienced and encounter with the Holy Father; all photos may be deleted and corrupt due to technology viruses but the memories in heart and mind will remain fresh and inspiring forever 😉
    I will forever be grateful to have the opportunity to serve the young people and the church. And I will continously serve the Lord this time not just within and inside the structural church, but outside and with the living church 😉
    I will remain young at heart and will keep the fire and desire of serving the Lord burning.
    And I will treasure the gift of friendship and family that we’ve shared then and now.
    I love you kuya and the rest of my kuya and ate in the diocese.
    Hugs and kisses 😙

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s